>Simula noong taong-1997, bumagsak ang ekonomiya ng mga bansa sa Asya kaso kung kikilatisin mo, bumalik ang sigla sa kanilang kalakalan pagkatapos ng unos. Tayo lang ang hindi. Maaaring Indonesia ang pinaka-kurakot na bansa sa Asya, pero kung makikita mo kahit papano, matapos bumaba sa pwesto nila ang isang “dikatador” kahit papaano sa palagay ko ay umuunlad din sila. (Problema nga lang, masyadong naka-sentro ang lahat ng pangyayari sa Jakarta)…Pero bakit ang Piso, imbes na maka-rekober mula sa pagkalugmok, ay patuloy pa ring bumagsak hanggang sa ang halaga nito ay kalahati nalamang (P25 bago noong 1997, P56 na ngayon).
> Anak ng Jueteng naman o! Kailan pa ba makakalabas pagiging miserable ang Pilipinas? Nakakahiya! Sa investors (binaba na nga ng credit approval companies ang approval rating nila sa negative), sa mga dayuhan at siguro lalong lalo na sa atin! Bakit ba lagi na lang sinisisi ang gobyerno eh kung ang mismong tayong mga Pilipino ang may ‘topak’! Pinagmamalaki ko ang pagiging Pinoy. Ayoko sa mga rasista na tumitingin sa atin kung akala mo kung sinong kutong-lupa! Pero, sabi nga naman ng aking prof, ang Pinoy daw ay may “damaged culture”. Lahat sisisihin maliban lamang sa sarili. Sino ba ang bumoto sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, eh di ba tayo?! Hindi ko rin masisisi kung karamihan sa masa ang kanilang inaasta na kung sila’y “Walang Pakialam, sa hirap ng buhay dito sa bansa ang inuuna nila ay ang mabuhay ang kani-kanilang sarili o di kaya’y mapapakain sa kanilang pamilya. Sa ingles: “POVERTY IS THE ROOT OF APATHY“. Na sasanga pa sa krimen, prostitusyon at sa huli, sugal (jueteng). Dito sa Pilipinas, Ang mga malalakas ay mabubuhay samantala ang mga mahihina’y masasawi (Galing ito sa anime na Samurai X). Kung di ka gagawa ng paraan para mabuhay, kahit kumapit ka pa sa patalim, mamamatay kang dilat dito!
>Kung tutuusin nga eh, di naman yata totoong demokrasya ang umiiral dito. Namimili tayo ng mga buwaya na uupo sa pwesto. Iba’t ibang mukha, pare-parehong hayop! Malala pa, ang mga ito’y inuuna pa nila ang kanilang sariling interes kaysa sa kanilang pinangakong tungkulin sa mamamayan, kung tutuusin ang tanong nga ba ay kung sila nga ba ay kumakatawan sa mga mamamayan na kanila sanang paglilinkuran o pagpapayaman at pagpapasikat lamang?!
> “Hindi kaya baboy tayong lahat?!”-kung pakikingan mo ang kanta na “Gusto ko ng Baboy” ng Radioactive Sago Project, hindi kaya ito’y hindi-deretsahang pagtukoy sa ating lipunan na meron tayo ngayon?
>Alam nyo, naaalala ko ang sinabi ni Isko Ditto Sarmiento: “KUNG DI TAYO KIKILOS, SINONG KIKILOS? KUNG HINDI NGAYON, KAILAN PA?”
>Ito l
ANAK NG JUETENG NAMAN O!
>Nasaksihan ko noong nasa high school pa lang ako ang EDSA DOS. Pumunta ako dito sa mga araw na ang mga sektor ng lipunan (aminin na natin na mayorya ay galing sa middle class, ang umanib dito) ay nagtitipon para patalsikin ang isang pangulo na pinaniniwalaang winaldas ang yaman ng bayan sa alak, babae at sugal. Napanood ko ang Impeachment Trial bago ito humantong sa EDSA II. Masyadong madrama, dagdagan ng konting komedya, ito na yata ang may pinakamataas na rating na nakamit ng mga kumpanya ng media noong panahon na yun ha! Pero kung tutuusin, burgis nga ako. Ayoko nga kay Erap noon. Masaya ako nung bumaba sya sa pwesto. Pero may umakyat nanaman sa pedestal. Wala pa akong masyadong alam noon, aaminin ko…akala ko tapos na ang bagyo sa Pilipinas…hindi pala!
>Simula noong taong-1997, bumagsak ang ekonomiya ng mga bansa sa Asya kaso kung kikilatisin mo, bumalik ang sigla sa kanilang kalakalan pagkatapos ng unos. Tayo lang ang hindi. Maaaring Indonesia ang pinaka-kurakot na bansa sa Asya, pero kung makikita mo kahit papano, matapos bumaba sa pwesto nila ang isang “dikatador” kahit papaano sa palagay ko ay umuunlad din sila. (Problema nga lang, masyadong naka-sentro ang lahat ng pangyayari sa Jakarta)…Pero bakit ang Piso, imbes na maka-rekober mula sa pagkalugmok, ay patuloy pa ring bumagsak hanggang sa ang halaga nito ay kalahati nalamang (P25 bago noong 1997, P56 na ngayon).
> Anak ng Jueteng naman o! Kailan pa ba makakalabas pagiging miserable ang Pilipinas? Nakakahiya! Sa investors (binaba na nga ng credit approval companies ang approval rating nila sa negative), sa mga dayuhan at siguro lalong lalo na sa atin! Bakit ba lagi na lang sinisisi ang gobyerno eh kung ang mismong tayong mga Pilipino ang may ‘topak’! Pinagmamalaki ko ang pagiging Pinoy. Ayoko sa mga rasista na tumitingin sa atin kung akala mo kung sinong kutong-lupa! Pero, sabi nga naman ng aking prof, ang Pinoy daw ay may “damaged culture”. Lahat sisisihin maliban lamang sa sarili. Sino ba ang bumoto sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, eh di ba tayo?! Hindi ko rin masisisi kung karamihan sa masa ang kanilang inaasta na kung sila’y “Walang Pakialam, sa hirap ng buhay dito sa bansa ang inuuna nila ay ang mabuhay ang kani-kanilang sarili o di kaya’y mapapakain sa kanilang pamilya. Sa ingles: “POVERTY IS THE ROOT OF APATHY“. Na sasanga pa sa krimen, prostitusyon at sa huli, sugal (jueteng). Dito sa Pilipinas, Ang mga malalakas ay mabubuhay samantala ang mga mahihina’y masasawi (Galing ito sa anime na Samurai X). Kung di ka gagawa ng paraan para mabuhay, kahit kumapit ka pa sa patalim, mamamatay kang dilat dito!
>Kung tutuusin nga eh, di naman yata totoong demokrasya ang umiiral dito. Namimili tayo ng mga buwaya na uupo sa pwesto. Iba’t ibang mukha, pare-parehong hayop! Malala pa, ang mga ito’y inuuna pa nila ang kanilang sariling interes kaysa sa kanilang pinangakong tungkulin sa mamamayan, kung tutuusin ang tanong nga ba ay kung sila nga ba ay kumakatawan sa mga mamamayan na kanila sanang paglilinkuran o pagpapayaman at pagpapasikat lamang?!
> “Hindi kaya baboy tayong lahat?!”-kung pakikingan mo ang kanta na “Gusto ko ng Baboy” ng Radioactive Sago Project, hindi kaya ito’y hindi-deretsahang pagtukoy sa ating lipunan na meron tayo ngayon?
>Alam nyo, naaalala ko ang sinabi ni Isko Ditto Sarmiento: “KUNG DI TAYO KIKILOS, SINONG KIKILOS? KUNG HINDI NGAYON, KAILAN PA?”
>Ito lang muna ang masasabi ko sa ngayon, nauubusan na ako ng oras….Di pa rito nagtatapos ito!
(Lahat ng mga naisulat dito ay pawang opinyon ko lamang)
ang muna ang masasabi ko sa ngayon, nauubusan na ako ng oras….Di pa rito nagtatapos ito!









Nice post.Thank you for taking the time to publish this information very useful!
Posted by ugg mayfair at December 7, 2010, 5:39 pmI’m still waiting for some interesting thoughts from your side in your next post thanks