Dito sa Iloilo, mayorya ng mga kalsada ay gawa sa aspalto. Mura kaya makatitipid ang DPWH. Masarap magmaneho sa kalsadang de-aspalto. Mas tahimik ang takbo ng gulong na animo’y lumulutang. Pero kung bumuhos ang malakas na ulan, at lalo’t andito si Habagat, aakalain mong nasa buwan ka matapos lang ng ilang araw ng pag-uulan. Ang dating “flawless” na daan, ngayo’y moonscape na!
Naaalala ko tuloy ang unang 2 taon ko sa Miag-ao. Talagang para kang pupunta sa isang eksotik na lugar sa Iloilo na kinakailangan pa yata ng 4X4 na sasakyan para bagtasin ang kalsada na may 40 kilometro ang layo sa Lungsod. Ang mga tagang “abortion road”, “horny’s paradise”, “make-up kit”, “sungkaan” at kung ano-ano pa ang madalas na tawag sa kalsadang parang nasa Saudi kung tag-init (maalikabok) at lubluban ng kalabaw kung tag-ulan. At kung tutuusin, noong freshmen orientation, ayos pa ang kalsada! Tignan mo nga naman kung paano gumanti si Inang Kalikasan.
Kamakailan lang ay bumuhos ang malakas na ulan, walang tigil. Kinakabahan ako at baka bumaha sa Pavia tulad ng nangyari noong 2003! Ang Ciudad Iloilo ay likas ng mababa kung ikukumpara sa ibang lugar sa probinsya. Ang Jaro, kilalang “Marikina” ng Iloilo (paano, lagi ditong bumabaha). Pero sa mga nakaraaang pag-uulan, nagdeklara ang alcalde ng lungsod ng estado ng kalamidad sa lungsod dahil sa baha! Nagimbal ang lahat dahil ang City Proper ay lubog sa baha. Ang dahilan: sirang drainage at basura! Yuck!
Noong nakaraang taon, hindi natuloy ang pag-iinspeksyon ng isang ahensya na titingin sa kalinisan ng kapaligiran ng isang lungsod, ng dahil sa baha na naglabas ng totoong baho ng lungsod. Taas noong ipinagmalaki ng alcalde ang lungsod na ang kalaban ay ang mas malinis at mas malawak na Ciudad Bacolod na nanalo na noong nakaraan bilang isa sa pinakamalinis na syudad sa bansa! Wow ha!
Pakiramdam ko kanina, parang tugboat na ang multicab na minamaneho ko sa isang ilog sa Barangay Tanza. Ang lalim para sa akin! Akala ko nga titirik na ako sa kalagitnaan ng baha!
Dahil sa mga pangyayaring ito, ang imumungkahi ko sa pamahalaang pang-lungsod ay pag-igihin ang pagsasaayos sa lungsod kung gusto nilang mabawi (kung mabawi pa) ang titulong “Queen City of the South”. Makikita na ang lungsod ay bahain, mabantot at ang mga kalsadang sira na maaaring maging hadlang sa pag-dadala ng kalakal sa iba’t ibang parte ng isla ay isang turn-off. Dress up! Nakakahiya sa mata ng iba. Yan din ang ikinabagsak ng Iloilo noon!
At akala niyo sa gobyerno lang no? Para sa atin, sana sanayin natin ang sarili natin sa disiplina lalo na sa pag-aalaga ng kalikasan. Saan ba nangaling ang basura? Tinapon natin kung saan-saan, babalik din sa atin yan! Karma!!!…









Nice post.Thank you for taking the time to publish this information very useful!
Posted by ugg mayfair at December 7, 2010, 5:37 pmI’m still waiting for some interesting thoughts from your side in your next post thanks