Pilipinas: Sa Delubyo at Ligaya
Ang Pilipinas ay itinuturing na isa sa mga pinadelikadong lugar pagdating sa mga sakuna na dulot ng lindol, pagputok ng bulkan, bagyo at iba’t ibang delubyo na dala ng inang kalikasan. Kung tutuusin, binibisita tayo ng humigit-kumulang na 18 o 20 na bagyo kada taon, may habagat na nagdadala ng malakas na bugso ng ulan tuwing Hunyo hanggang Oktubre. Mga lindol na aakalain mong katapusan na ng mundo tulad ng nangyari noong 1990 na sumira sa mga lungsod ng Baguio, Cabanatuan at Dagupan. Akala mo ang dagat dito hindi lumalamon ng lupa, noong 1976 ang Moro Gulf Tsunami ay kumitil ng libo-libong buhay sa baybayin ng Mindanao. Ang pagputok ng Pinatubo ay maituturing isa sa mga pagputok ng ika-20 siglo. Ayoko nang isa-isahin at baka maubos oras ko sa blog.
Sa palagay ko, maaaring dahil sa mga paghihirap nating nararanasan hindi lamang sa lipunan o ekonomiya, kundi sa pagharap sa mga delubyo na maaaring tayong mga tao ang nagdulot o di kaya’y paghihiganti ni Inang Kalikasan, ang nakapagpatibay sa atin habang dumadaan ang panahon. Kung tutuusin, para tayong mga kawayan na kahit anong lakas ng hangin, bumabaluktot lang tayo at hindi napuputol hanggang sa mamatay.
Nasabi nga pala sa Time Magazine noong Enero 2005 na ang Pilipinas daw ay isa sa pinakamasayang bansa sa buong mundo! Nakita ko sa larawan ng artikulong yaon na ang mga bata kahit nasa baha, nakangiti pa rin sa camera. Aba, napansin ko nga pala na kung andyan ang kamera ng media sa mga nasalantang lugar, hindi maiiwasan na ang iba ay kumakayaw sa likod o background ng taga-ulat. Akala mo’y di sila nadaanan ng delubyo! Sanay na si Juan de la Cruz sa mga ganitong pangyayari sa kanyang buhay, kahit mayaman siya o mahirap.
“The Big Difficult”
Noong nakaraang linggo, nabalitaan ko ang tungkol sa bagyong si “Katrina” sa Amerika na animo’y isang halimaw na lalamon sa mga estado sa Gulfo ng Mexico. May kategorya ito bilang lima, kung baga sa atin ay super-typhoon na ito. Inilunsad ng gobyerno ng lungsod ng New Orleans o kilala sa Amerika bilang “the Big Easy” ang isang malawakang paglilikas ng mga residente nito dahil sa paparating na bagyo. Marami sa mga residente nito ang lumikas samantala ang iba’y nagmatigas. Kampante sila na hindi babahain ang Lungsod na ito, sila’y nagkamali.
Nagising na lang sila ng matapos ang bagyo na akala nila’y tapos na ang sakuna, nagisismula pa lang. Binaha ang lungsod dahil nasira ang mga dikes nito. Ang New Orleans ay below sea-level o mas mababa pa kaysa sa dagat ang lupa nito. 80% ng lungsod ay lubog sa baha. Pinapalagay na marami ang nalunod sa baha. Pero mas nakakagimbal ang mga imahen ng lungsod matapos ng 2 araw. Malawakang nakawan at kaguluhan ang nanaig sa lungsod. Naging mabagal ang tugon ng gobyerno sa mga nagsilikas at natira sa syudad. Kapansin-pansin na tila lumalabas nanaman ang racial discrimination sa naturang lungsod dahil sa mabagal na responde ng gobyerno sa mayorya nitong residente, mga Black Americans.
Compare and Contrast nga…
Grabe naman ang itsura ng New Orleans! Akalain mo na dahil sa baha ay marami ang mamamatay, magugutom, magnanakaw at magagalit? Sige nga, subukan mong ikumpara iyan sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area ng MetroManila na animo’y kada taon ay lubog sa baha ito. Pareho sila ng New Orleans, swampy at mas mababa sa lebel ng dagat ang lupain nito pero parang wala lang kung bumaha doon.
Evacuation Centers: Sa America, sosyal–Superdome ng New Orleans ang ginawang evacuation center, dagdagan mo pa ng paglikas ng iba sa Astrodome ng Houston, Texas na mahigit 500 kilometro ang layo sa New Orleans. Ewan ko kung magagawa nila yan sa Araneta Coliseum o Cuneta Astrodome kung babahain ang Pasay o Cubao. Samantala dito sa atin, ay mas miserable pa tignan ang kalagayan ng evacuation centers, kasi sa pampublikong paaralan, mga gymnasiums na yung iba open-air at kung saang miserableng lugar. Pero ang napansin ko sa mga Kano, masyado silang reklamador, porque’t hindi air-conditioned ang evacuation center magngingitngit na sila sa galit, paano kung dito pa sila tumira sa Pilipinas?!
Naaawa ako sa kanila dahil mabagal ang pag-usad ng pag-rekober ng lungsod mula sa kinasasadlakang delubyo nito. Sa Pilipinas, looting during natural disasters is very minimal. Doon sa New Orleans, kailangan pang sapilitang ilikas (kahit gumamit pa ng puwersa ang pulis at militar doon) para lang maiwasan ang kaguluhan. Sa atin, bahala na. Kiber ng iba..as long as mabunuhay tayo kinabukasan na ligtas ang mga ari-arian natin. Talk about being the Big Easy!
Diring-diri ang mga Kano sa tubig-baha, kung ano-anong toxic wastes at patay na tao ang pinagsasabi nila. Sa atin, yan ang panahon na may swimming pool sa harap ng kalsada mo.
Ngayon, naaawa ako sa mga Kano. Sabi nila, ang lungsod ay tila nasa isang third-world country (ayon sa isang artikulo sa Inquirer).
Mapapansin natin na ang mga Amerikano’y tila sanay sa buhay na masagana samantalang tayong mga Pilipino’y sanay na sa kahirapan. Masasabi ko na mayroon din palang magandang dulot ang pagiging mahirap ng ating bansa, ito’y upang maging matatag ang taumbayan sa kung ano mang sakuna na darating. Dahil alam nating dumiskarte kung paano mabuhay ay parang bale-wala na lang sa atin ang sakuna, mapa-natural man ito o gawa ng pulitiko o gawa ng tao.
Masasabi ko o ng isang kanta, HUWAG MONG ISUKO, SADYANG LABANAN!
>>Si Juan de la Cruz ay hindi lawlaw!
*Masasabi ko rin na marapat natin sanang tulungan ang taumbayan ng New Orleans at iba pang lugar na nasalanta ng bagyong Katrina sa ngalan na rin ng sangkatauhan. Pare-pareho rin tayong mga tao. Nawa’y hindi sila sumuko at sadyang labanan ang problemang kanilang kinahaharap.









sana naman ay gumising sa katotohanan ang ating mga nakaupo sa bansa para matulungan ang ating mga kababayang naghihirap,hindi yung puro nalang pangungurakot yang kanilang ginagawa katulad ng mga nasalanta ng bagyo tig iisa lang na kilo ng bigas lang ang kanilang binibigay.Hoy mag-impruv naman kayo!!!!….
Posted by boms at November 27, 2006, 2:39 pm