"Kasi naman, you know…You make me kakainis no?"
"Lam mo pare, ang ganda ng cars men, they’re like astig na savvy"
"It’s not my problem, it (eat?) yours"
Hay, Pilipino nga naman o. Sabi nga ng trainer namin sa call center: "What is unique with us Filipinos is that we are great imitators and has a neutral tone". Kaya nga ang galing natin mag-Ingles eh! Nagsulputan ang mga business outsourcing companies na nagbigay mga trabaho sa mga bagong gradweyt, di nag-gradweyt at mga frustrated mag-gradweyt.
Bilang call center agent, masasabi ko may "edge" tayo sa kakumpetensya natin na mga Bumbay. Ang hirap nila kasing intindihin. Pero, hindi talaga maiiwasan na pati mga Kano, makahalata na hindi nila kababayan ang kinakausap nila, kundi Pinoy…minsan lumalabas ang pag-kasuperyor ng mga puti. Surrender naman si Juan De la Cruz sa mga "diyos-diyosan".
Pero nang nandito na ako sa Cebu, napansin ko: Ang mga batang Cebuano na lumaki sa Pilipinas, edukado at may-kaya, puro Ingles na lang ang biubuka ng bibig na animo’y lumaki sa Tate. Karamihan pa sa kanila, hindi na marunong magsalita kahit Tagalog man lang! Asar! Kudos sa mga magulang, dinagdagan na nila ang mga ilustradong maaaring tumalikod na sa Pilipinas! (sarcastic). Hindi ko talaga makuha ang logic na nagsasalita ang mga bata ng Ingles kahit nasa lansangan nila.
Elitista
Kung edukado ka sa Pilipinas, alam mong mag-salita ng Ingles o kahit anong wikang banyaga. Kung tutuusin, naging "status symbol" na nga ito ng mga mayayaman at may-kaya.
Simula pa sa panahon ng Kastila, kung mayaman ka, Ilustrado ka, marunong kang magsalita ng Espanyol. Nang dumating si Uncle Sam, binigyan nya tayo ng libreng edukasyon kaso dalawa ang mukha: mamulat at maging alipin. Binigyan nya ng bagong mukha ang pagiging elitista, ang makapag-salita ng Ingles.
Pero tila katotohanan na nga yatang may kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang systema ng edukasyo’y nabubulok at naaayon pa sa mga turo ni Uncle Sam. Karamihan sa mga kapitbahay ni Juan de la Cruz, wala ng pakialam kung ano pa ang mangyari sa lipunan, basta mabuhay lang sila kinabukasan OK lang. Anong pakialam nila kay Aristitle, kay George Washington o pati na kay Aguinaldo. Masakit pero ito ang katotohanan.
Naipagpapatuloy na lang ng nalalabi ang pag-aaral. Maaaring karamihan sa mga Pinoy ay may opinyon na kung ika’y nakapag-tapos, marami kang oportunidad na maaaring mag-paahon sa kasadlakan ng kahirapan.
Balik tayo sa usapin ng Ingles, dahil para talagang may social class nga sa lipunang Pinoy, karamihan sa mga marunong magsalita ng Ingles na diretso at animo’y Kano ay yung mga nasa high school o di kaya ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Pero binalot na ng tipong elitista ang pagsasalita ng Ingles ng diretso.
————————————————————————————————-
(**Sa mga konserbatibo, skip nyo na lang ang paragraph na susunod**)
Napansin ko nga rin sa klasrum, kung nag-didiskas si ser tungkol sa sex, ang penis at vagina o di kaya sexual intercourse ay ok lang pakinggan, pero kung titi, pekpek o kantutan na ang sasabihin, bastos na! Pareho ang binabanggit, iba ang flavor. mas bastos nga bang pakinggan kung nakiki-jerjer ka kaysa sex? (sorry for the obscene language, dito ko kasi gusto ipahiwatig ang saloobin ko tungkol sa wikang Ingles at Filipino)
—————————————————————————————————Ang wikang Ingles kasi dito sa Pilipinas ay ginagamit sa mga transaksyon sa negosyo, pakikipag-usap sa mga banyaga o pati na para magkaintindihan na ang Cebuano sa Ilocano. Ang wika na tila nabalutan ng kolonyal na mentalidad.
Jologs
Nakakainis na marinig ang mga pa-sosy at feeling sosyal kung magsalita ng Ingles! Pun****! Ang galing na nga nilang mang-estima, ang galing pa nilang magsalita ng Ingles! Karabao Ingles! Para lang may-feel na sila ang nasa itaas ng mundo! Yikes! Sunugin!
Dahil na rin sa hindi nila pormal o talaga lang hindi epektib si mam sa school mag-turo ng ingles, kaya karamihan sa masa kung magsalita ng ingles, kung hindi mali ang pronunsasyon, mali ang grammar, mali ang spelling. Limitado. Kaya you know, ispokening dalars is da best talaga mam!
Natatawa na lang ako kung minsan marinig ko ang mga nauso noon na Erap jokes. Ang ex-president kasi hindi marunong mag Eyngles.
Dala na rin ng pabulok na pabulok na sistema ng edukasyon sa Pilipinas, nasira na rin ang kalidad ng pagtuturo sa mga pampublikong paaralan dahil na rin kulang sa badyet o talagang siksikan lang ang mga bata sa isang kwarto na parang sardinas! Konti lang naman ang pumapasok sa pampribadong paaralan, kaya namementene pa ang kalidad ng pagtuturo…na nagdadala sa problema na ang Ingles ay salita ng mga elitista at edukado. Nagpapalawak ng hati sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.
I can’t gets it nga eh!
Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng sankaterbang mga wika, ang hirap magkaintindihan. Karamihan sa mga kabataan ngayon, hindi na nila alam kung paano magsalita ng diretsong Tagalog, Bisaya o Ilocano. May halo na itong "substitute words" na ingles, kung hindi nila maibigkas ng diretso kaya ayun.
Halimbawa:
"Alam mo ba ang cup na yan, parang starbucks!" ?huh?!
Bisaya
Kala mo kung sinong marunong ang mga taga-Maynila kung kutyain nila ang mga Bisaya sa Ingles! Kung ang ‘e’ naging ‘i’ o ang ‘o’ naging ‘u’, at mali ang pronounciation, hala it’s chimay englis (oi, may lugar na Englis sa Cebu, humanda kayo mga Tagalog kayo). Ang laki siguro ng kakainin nilang mga salita dahil ang daming call centers dito sa Cebu. Hay, gusto ko lang makita ang pamumula sa hiya ng mga yan!
Tapos….
Kung tutuusin, hindi na maiiwasan na magsalita ng Ingles sa pang-araw araw na buhay. Habang umaagos ang panahon, kailangan talagang nating sumabay sa agos nito. "Nothing is constant but change" ika nga.
Ang ingles nga talaga ay tunay na makapag-bubukas sa maraming oportunidad para kay Juan de la Cruz upang mapaunlad nila ang kanilang pamumuhay. Pero, masaklap isipin, ito’y nababalot sa mala-elitistang aura. Marahil na rin sa edukasyon na tila napapabayaan na ng panahon.
Nalulungkot din ako dahil marami sa mga kabataan ngayon, tila kinalimutan na nila ang sariling atin dahil sa tingin nila, ito’y backward o taga-bundok at probinsya lang ang nakapag-sasalita ng mga sinaunang wika. "Mga mahihirap lang ang gumagamit niyan" na uri ng pag-iisip. Pilipino nga, masaklap…sabi nga sa isang thread sa Lonely Planet.com "They are more American than Americans themselves". Ang dilemma ng nasyonalismo at globalisasyon.
Ang Ingles ay para sa lahat at hindi lang sa mga edukado o mayayaman. Lahat may karapatang gumamit nito. Nawa’y ganun naman ang pag-trato natin sa ating wikang sariling atin.
Salamat Starzi sa iyong komento…Ngayon napa-isip nanaman ako.
Ano nga ba ang isang Pilipino? Sino ang tunay na Pilipino? Parang metaporikal ang katanungang ito ano?
Pinag-hiwalay ng bundok at dagat, iba’t ibang salita, iba’t ibang kultura. Sino nga ba ang tunay na Pilipino?
KA-BARANGAY: "Pilipino" bago dumating si Don Quijote
Sa kasaysayan ng Pilipinas, bago man tayo sakupin ng mga walang magawa sa buhay na mga bansang imperyo, wala naman talagang bansa o di kaya estado na tinatawag na Pilipinas. Marami mang tawag ang mga kapitbahay natin sa Asya sa kapuluan sa silangang bahagi ng Dagat Timog Tsina, walang Pilipinas noon. Kalat-kalat na 7,107 na mga esmeraldeng pulo na tinitirhan ng mga sinaunang "Pilipino" sa mga komunidad na tinatawag na barangay.
Sa barangay daw ayon sa mga turo noong elementarya, ay isang lipunan na binubuo ng tatlong klaseng tao: maharlika (royal blood), timawa (middle class/freemen) at alipin (slaves). Sa isang pulo, maaaring maraming barangay na walang isang sentralisadong pamahalaan, parang sa sinaunang sibilisasyon ng mga Griyego, city-states.
Kung akala nyo na laging mapayapa ang relasyon ng mga barangay sa isa’t isa, nagkakamali kayo. Kung may nangyaring sigalot, tulad ng away sa lupa, sa pamilya, sa kalakalan o di kaya sa alipin, nagkakaroon ng mga sigalot o away. Ang iba, lumulusob na lang bigla sa kaaway na barangay upang maghiganti, magnakaw o di kaya kumuha ng mga pwedeng mabenta na alipin, kasi noon uso magbenta ng tao (hanggang ngayon di ba? Pinasosyal na, illegalized pa: Human Trafficking) para sa alipin o slave trade.
Sa pagpasok ng Islam sa Mindanao at Sulu, nagkaroon ng tila sentralisadong pamahalaan na pinamumunuan ng isang sultan na nahirang mula sa mga dugong bughaw. Pero ganoon pa rin, tulad ng mga kapatid nilang taga-Luzon, Lumad o mga Bisaya, meron pa ring mga maliliit na sultanato, depende sa pamilya, tribo o di kaya kalakalan. Ang Sultanato ng Lanao halimbawa, ay binubuo ng marami pang sultanato. Sa Maguindanao naman, may sultanato ang Kutang Bato at may sultanato ang Buayan na parehong pinamumunuan ng mga Maguindanaoan. Sa mga paglusob ng mga "Moro" kung sila’y tawagin ng mga Kastila, sa Kabisayaan o pati na sa Luzon, natakot ang mga taumbayan sa kanila. Dito na nagsimula ang hidwaang hilaga at timog.
Divide et Impera: Si Don Quijote at an mga "Indio"
Dumating si Don Quijote dala ang krus at espada. Ang krus para iligtas ang mga "pagano" mula sa mga "kampon ng kadiliman", ang espada ay para isagawa ang pananakop sa kapuluan. (Kung tutuusin, pareho naman nila ginamit ang dalawa para sakupin ang kapuluan sa silangan).
Ang dami daming ipinangalan ang mga kampon ni Quijote tulad ng "Islas de San Lazaro", pero yung kay Villalobos ang naging matunog: "Felipenas". Alay sa isang hari ng Kanlurang kaharian ng Kastila.
Ganun? Ang Pilipinas pala ay galing sa "Felipenas"? Hindi pala native ang pangalan ng bansa natin eh?
Mas pinalala ang pagkahati-hati ng mga katutubo sa paggamit ng divide and conquer tactics nila. Ang mga Bisaya ang ipinanglaban nila sa mga taga-ilog sa hilaga. Pinalala pa nila ang away ng mga "Indio" at "Moro"…ay ewan. Ang daming away!
Ayun! Naging Kristyano ang mga katutubo, ang iba’y namundok samantala hindi tuluyang nasakop ng mga Kastila ang Ka-Mindanawan.
PILIPINO: Si Tisoy ba o Si Moreno?
Nakupow! Nagkaroon pa ng diskriminasyon sa kampo ni Don Quijote. Ang mga ipinanganak sa kanlurang kaharian laban sa mga ipinanganak sa kapuluan ng silangan. Nge! Pareho naman silang hilaw! Anyway, ganun na nga…Dahil gusto magkaroon ng identidad ang hilaw na ipinanganak dito, tinawag nila ang mga sarili nilang "Pilipino"!
Huh! Parang hindi ako nakapaniwala noong una ko tong nabasa sa mga libro ni Agoncillo at Constantino, pero hindi totoo!
Uncle Sam with the Little Brown Men
Natalo si Don Quijote laban kay Uncle Sam dahil sa kani-kanilang munting pangarap sa buhay: WORLD DOMINATION! hahaha!!! Ayun, dahil parang importante ang Pilipinas sa kanila, sinakop nila tayo.
Simula dun, pwersahang sinama ang Mindanao sa mapa ng Pilipinas. Wa-is ang taktika ng mga Kano.
(to be continued…)
c
J.M. Basa Street (Calle Real) with its American period-era glory over Iloilo.
Shall I elaborate the title? I don’t think so. It is my utmost sentiment right now as destiny itself pulled me away from what I am supposed to be…a media practitioner or an academic.
I can’t do my best when I am in the four corners of the cold office recieving irate customers from outer space. Traveling is what I am. Wherever I go, I enjoy it so much.
I was brought to this cold corporate world out of practicality. I am out of the shell of ideology that was my alma mater. Cold as it is, I can’t apply the theories that my mentors gave me. I am frustrated. For me to able to reach the impossible, I have to sacrifice every ideals that I have. The ideas that I love and hold dearly in the academe. The ideas of a better society.
I’m not a home boy. I don’t stay inside the room for the whole day watching TV and stuff. My week is not complete without going anywhere yet do not frequently go to malls. Nakakasawa na! So I go where no ordinary guy goes…the streets of Manila, Cebu, Davao, Iloilo, GenSan & Bacolod and the mountainsides of LuzViMinda and the islands in between Boracay and Batanes to Tawi-Tawi.
I seek adventure, thrill and adrenaline rush! Kaso walang pera! I’m no tourist, but a wanderer, a soujouner, a researcher, an explorer. I don’t go places to see the landmarks but to see the culture behind the place. The people that makes things alive, nature that becalms a weary spirit and "urbanity" that rushes through the blood of every traveler.
I’m ready to take risks wherever I go. Being in Mindanao for a months during college did not dampen my spirit to explore what it seems to be a no man’s land for some of our kababayans/kasimanwas. I appreciated the place where no one appreciates it. Am I lunatic? Going to Cotabato from Tacurong passing by bombed areas during tha all-out war that Dirty Harry declared a few years ago? No. I saw the place, it was placid. I love it.
A resercher I am. Love to hear stories from different people with different experiences. Researcher? Anong makukuha mo dun? Mag-aaral ka lang ba nanaman at gagastos? This question sometimes irritate me. Is being a researcher limited to the academe? Who are fuelling the reporter’s script in media, is it the researcher? Are newscasters and media practitioners researcher too? They are and I wanna be one of them. Damn I’m frustrated!
Academy. I want to be known, respected, influential and be trusted. A researcher that earned his name by putting up his left leg in the grave everytime he goes out. I research not for my personal gain but for the betterment of the many. I took up sacrifices to finish my thesis, because it is in me, the passion to do and live more out of it.
And alas, I’m in the four corners of the semi-corporate and semi-enslaving world. I don’t know if ever I’ll move up the corporate ladder. I might get rich someday, maybe. But left without a fire burning is like being a living dead. Being rich is not something that I personally take out of the material world, but it is passion and the love to serve the public, be loved, be hated, be respected and be criticized. I am not perfect since I do have personal interests, a human being. Passion burning from a cold space in a cold world.
Frustrated…I am right now. A captive of frustration and yet, I’ll never lose hope. Nunca perdere esperanza!