Karamihan sa ating Pinoy, pag-sinabing Filipino ang wika, ito ay yung Tagalog. Imperyalistang Tagalog ika nga ng mga Bisaya. Sa kapanahunan ni Pangulong Quezon noong dekada 30, napagkaisahan ng mga pulitiko na naka-base sa Maynila, na ang pambansang wika ay Pilipino base sa wika ng Maynila…ang Tagalog. Ito’y para mapag-isa ang kapuluang pinag-watak watak ng kabundukan at karagatan.
Pero isipin nyo, kung pupunta naman kayo sa Visayas at Mindanao, ang pinakadominanteng wika ay ang Bisaya (base sa Cebuano pero may halo rin ng Ilonggo o Waray - generaly speaking na yan) at karamihan sa mga nasa malalayong lugar ay kung hindi man masyadong marunong magsalita ng Tagalog ay talagang hindi makaintindi o makapagsalita ng Tagalog! Debate ng ilan, kahit kailan, hindi naging superyor ang Tagalog sa ibang salita sa Pilipinas kaya hindi maituturing dayalekto ang Ilonggo, Cebuano, Waray, Maranao, Ilocano, Kapampangan, Bikolano at iba pa.
Dito pa lang, napansin na hindi masyadong matagumpay ang layunin ng Tagalog. Sa ngayon, may mga institusyon na tinatanggap na ang konseptong Pilipino ay kasama na rin ang ibang "dialekto" ng Pilipinas. Marahil isa na ito sa mga paraan upang masara na ang hidwaan ng mag-kakapatid sa lahi.
Kaya ang tanong: Ano nga ba ang tunay na wikang Pilipino? Sino? Saan? Kanino?
(Kasama ito sa isang serye na nagtatanong kung sino nga ba si Juan de la Cruz: Pinoy Ako, Pinoy Tayo)
Pag-sinabi nilang "hari ng kalsada" sa Pilipinas: marami ang nominado dyan: abusadong drayber, manongotong na pulis, notoryus na bus sa EDSA, ang pasaway na jeepney drayber, at iba pa. Pero iwas negatibong konsepto tayo dito…
Sa Kamaynilaan at ibang lugar sa Pilipinas, karamihan sa sinasabing jeepney ay ang mga "Sarao Type". Ang orig na jeepney na may kasaysayan mula pa sa katapusan ng ikalwang digmaang pandaigdig. Yung mga "jeep" na ginamit ng mga sundalong Kano, dahil na rin sa likas na kagalingan ni Juan de la Cruz, pinahabaan pa ang likod at nilagyan ng mga burloloy at kung ano anoung kulay pa kahit saan, dagdagan mo pa ang businang anim,. Resulta: isa sa mga tatak ng Pilipinas na ating maipagmamalaki! Biruin mo, for export quality na: may balita kasi na nagpadala na ang Pinas sa Papua New Guinea at sa Africa. Astig!
Ngayon, sa Maynila. Sila ang hari ng kalsada. Ng dahil sa kanila, laking natitipid ni mangagawang Juan de la Cruz (ikumapra mo naman sa taxi). Nang dahil sa kanila, naging makulay ang mga kalsada ng Pilipinas.
Sosyal na Pasajero: Ang mga Hari ng Kalsada sa Iloilo at Bacolod
Lumipad ka sa Kabisayaan at maninibago ka sa itsura ng mga jeepney. Saan ka nga ba nakakita ng jeepney na ang harapan nya animo’y luxury van o pajero? Sabi nga ng iba, "the most modern and sleek jeepney in the country. Aerodynamic nga naman ang disenyo, maganda ang interior and exterior. Pasahero Sosyal (wala akong ineendorso) nga naman.
Nagsimula sa bayan ng Oton ang disenyo na animo’y pang-pribadong sasakyan. Gusto kasing maiba naman sa tradisyonal na Sarao jeep ng Maynila. Sa REM at Patoo Wheels tapos napunta sa mga taga-gawa sa Miag-ao: Ang Pasajero Sosyal at Indian Serenade. Si Joroshely at YUL Metal Works and Aries sumulpot din. Iisa ang tinatarget na disenyo. Aerodynamic at luxurious.
P500,000 ang halaga ng isang jeepney na umaarankada sa daanan sa Iloilo. Malaki ang bintana at masarap ang espasyo. Kung byaheng probinsya, dahil medyo aerodynamic at pinalaki, may kapasidad itong umaaabot ng 20 hanggang 40 (kasama na ang mga sakay sa bubong ng sasakyan!) at tumatakbo ng mahihit 120 kilometro kada oras (hindi ako nagbibiro) dahil aerodynamic ang disenyo. Grabe pa ang brake!
Kahit papaano, naging tatak-Ilonggo na rin ang mga jeepney na ito na katang-tangi sa Pinas.
Sa Bacolod naman, kung makakita kayo ng jeep sa mga daanan, akala mo L300 na inextend ang itsura ng mga jeep. Tulad ng mga kapatid nila sa Iloilo, malaki ang bintana at animo’y luxury van. Ang ibang jeep sa Bacolod naman ay animo’y lata ng Minola. Dilaw na may berdeng strip. Pero kahit papaano, komportable pa rin ang sakay.
Sa Sugbu: Trak na Ginawang Jeep? Posible!
Sa Queen City of the South naman, ang mga jeepney dito iba’t ibang size. Small sa multicab, medium sa jeepney, large sa jeepney na canter….Teka lang, di ba trak yun? Tama kayo! Jeep na Canter truck ang uso ngayon sa Cebu!
Malaki ang katawan ng jeepney na ito. Makulay. Talagag pang-maramihan. Kahit na sa syudad lang ang biyahe, kailangan mo pa rin ng konduktor para matulungan ang drayber sa paniningil at pag-papara. Ang laki nga eh. Kasi malaking syudad din ang Cebu kaya kailangan nila ng high-capacity jeepneys!
Humahagibis ang bilis ng mga ito sa mga kalye ng Cebu. Lalo na pag-paTalamban!
Sa ngayon, hinahanap ko pa rin ang pinagsimulan ng ganitong disenyo ng jeep sa Cebu kasi maliban sa Canter Jeeps, ang mga akala mo na nag-rarally na jeep dahil sa mga flags na nakalagay sa jeepney uso rin dito.
Kung baguhan ka…mahihilo ka sa mga kodigo ng mga ruta sa Cebu: 17A, 04B, 01K, etc? Kayo na bahalang umalam kung ano ito.
Katang-tangi talaga ang husay ng Pilipino sa pag-likha. Kahit ano ay mapapakinabangan. Sadyang bahagi na ng kultura ang jeepney. Kasama nang nagbibyahe dito ang mga pangarap, pasakit at ligaya ng bawat Pilipino. Maaaring hindi na standardized ang itsura ng jeepney sa Pilipinas pero jeepney pa rin ang silbi, kaluluwa at pag-likha
(Pasensya po sa mga taga-Waray-Waray. Hindi ko pa kasi nakikita ang mga jeeps dyan)
Kala ko sa Iloilo lang ako maiirita sa mga jeepney drivers dahil sa pasaway ang iba.
Bingi ba talaga ang mga drayber ng jeepney sa Cebu p talagang ilalagay lang nila sa tamang pwesto ang jeep? Kasi kahit anong pag-sisigaw ng "LUGAR LANG…PARA", ang layo ng lalakarin mo sa lugar na kanilang pupwestuhan! Disiplinado, oportunista o talagang nabibingi na sila dahil kung tutuusin, ang laki ng jeepney sa Cebu! Kita nyo yung mga Canter na truck…i-coconvert nila yun sa jeep! Grabe talaga Pinoy sa creativity! Sa sobran laki, kailangan mo talaga ng conduktor dahil ang daming naksakay, ang ingay ng mga daanan sa Cebu…talagang hindi maririnig ng drayber ang sigaw ng pasahero. MANONG PARA!!! SA LUGAR!!! WAAAHHHH!!!!
Kala ko pa-Miagao lang ang makakaranas ng pinipiga ng buhay. Sa Cebu ibahin mo: 5 tao ang hinahanap ng mga konduktor pero kung tutuusin, sapat na lang para sa isa o kung hindi wala na talaga! Pilitan hanggang sa pati mga malalaking tao, animo’y nakakakndong na sa sobrang sikip ng jeep. Para nga naman makakuha ng boundary ika nga.
Pero eto, ingat lang sa mga baguhan sa Cebu. Ang mga ‘barkers’ dito, hihilain ka papunta sa jeep o minibus. Pipilitin kang pasakayin, ang iba naman kung hindi sasakay, mang-babackstab pa.
Trabaho lang po…kayod kabayo sa araw at gabi.
Pero kahit papaano…kahit akala mo na galit na ang konduktor sa’yo dahil "matapang" ang accent ng mga Cebuano…mura ang pamasahe at mababait naman ang tsuper, masarap kakwentuhan kung minsan…di swangigt! Maliit na kinikita, tumataas na presyo ng langis, mahirap na buhay…kahit papaano nakakaraos pa rin si mamang tsuper sa pang-araw araw na buhay.
Huwag nyo nang antayin pa na magtatambak na nila ang pasahero sa jeepney, abusador at iritable at biglang mawala sa kalye ng Pilipinas…
Ayala Center Cebu time 12:10 GMT+8
Sa pagpasok ko sa call center, ayun…Ingles na ang unang sumalubong sa akin. Masaya ang orientation pero ito lang ang napansin ko…nung nasa UP ako, tinuruan ako na batikusin ang Amerika…dito, dapat mahalin mo ang mga Kano dahil sila ang makakaharap mo sa araw-araw.
Tanong ng isa kong kasamahan sa training namin: "Bakit kailangan nating kabisaduhin ang 50 estado samantalang yun ngang 71 probinsya sa Pilipinas hindi sa atin pinilit eh."
Sagot: Kasama yan sa trabaho. Dapat alam mo ang lugar ng mga customers mo. Pero napa-deep pa ako, napatanong…Ganito na nga ba ang kabataang Pilipino ngayon? Mas binibugyang puri na ang Kanluran kaysa sa sariling atin?
Ang Dilemma ng Nasyonalismo at Globalisasyon
Naaalala ko tuloy ang klase ko sa History116 na nag-didiskusyon tungkol sa kasaysayan ng diwang nasyonalismong Pilipino. Parang ganito ang sitwasyon: Tatanungin ka kung anong mas matimbang sa’yo: Modernisasyon kasama ng Globalisasyon o Nasyonalismo na parang pakiramdam mo ay para na lang sa mga bayani?
Karamihan sa ating Pilipino ngayon, ang gusto umunlad di ba? Maka-ahon na sa kahirapan. Maging in sa crowd…makabago. Na may cellphone para mag-text o di kaya kompyuter o bumili ng mga branded o kahit imitation sa ukay-ukay. Marahil dala na rin to ng kolonyal na pag-iisip. Pero dala ng kolonisasyon ay modernisasyon.
Kung iisipin mo naman na manatili at mahalin mo ang sarili mong bayan sa mga panahong ngayon, mamamatay ka ng dilat! Para ano pa? Paulit-ulit ang mga pangyayari ngayon. Kapwa-Pilipino nag-babangayan! Pulitika doon, mangagantso dito…sakit sa ulo. Akala mo impyerno na ang Pilipinas!
Modernisasyon…ang sagot sa kahirapan. Sana nga. Kasi ayoko rin naman na pati ang kahirapan ay maging moderno rin…Gets nyo?
Mahirap bang mahalin ang Pilipinas?
Nabasa ko ang libro ni Bob Ong na "Bakit Baliktad Magbasa ang Pilipino"…Talagang masakit ang katotohanan na may ikinahihiya na ang pagiging Pilipino dahil pangit ang pag-tingin ng ibang dayuhan sa atin. (Hello Claire Danes! Buhay ka pa matapos ang Judgement Day?).
Kung ako…may mga pagkakataong naiinis ako sa kultura natin na para yatang hahatak din sa Pilipinas pababa…Pero mas mabuti kung maging mulat ang mata ng kabataan Pilipino tungkol sa mga pangyayari sa kapaligiran at dapat makialam. (Pag makikialam ka sa mga pangayayari, hindi ibig sabihin nun mag-rarally ka lang. Maraming paraan para makialam).
Iyang tanong na iyan, iiwan ko na lang sa lahat…Open-ended question kasi yan. Mahirap talagang mahalin ang sarili mong bayan sa mga panahong ngayon pero sa kahit anong paraan, dapat man lamang may ibigay tayo sa sariling bayan. Pwede mong mapag-sabay ang kaunlaran, modernisasyon, pagiging progresibo …At di makalimutan kung sino tayo…kahit mangibang-bansa ka pa…Pinoy ka pa rin…