Silip-Piring

July 4, 2006

Sa likod ng kamera, tulad ng mata…kinukuha nito ang imahen ng realidad at pantasya. Sa ngayon, ayoko nang paliguy-liguy pa.

Nais ko sanang malaman kung ano ang bastos sa hindi kung realidad ang pag-uusapan. Sa nangyari sa I-witness sa nakaraang nitong dokyu na ukol sa isang ritwal sa Laguna na gumagamit ng phallic symbols o yung mga simbolo na nagsasalarawan ng ari ng lalaki. Kung ikaw ay ang tipong konserbatibo na may mag-kakitid ng pag-iisip, baka mabigla ka at akusahan itong pornograpiya…kahit ito’y isina-dodokyu lang o nirerekord lang. Isang tradisyon na animo’y bastos sa mayorya ng populasyon ng Pilipinas, na sinusundan ng kakaunti sa Laguna.

Ang hindi ko lang makuha ay kung bakit masyadong hipokrito ang ating lipunan pagdating sa mga isyung tulad nito. Kung tutuusin, halos binobomba nga ang mga sinehan ng walang kwentang palabas o di kaya ang mga telebisyon na sobra-sobrang entertainment animo’y nakalimutan na nila ang social responsibilities nila para mag-paalam sa lipunan. Kung bakit ba naman napunta pa sa mga lugar sa timeslots ang mga palabas na may kwenta.

Sa palagay ko, kung naipalabas ito o kung ano mang dokyu na "bastos" sa ating mga censors sa labas ng bansa o nasa Discovery o National Geographic, baka umani pa ito ng palakpak mula sa mga kritiko. Baka i-rekomenda pa ito sa mga estudyante! Bakit nga ba ang daming hipokrito sa Pilipinas!

At para sa tradisyon, masaklap na realidad na hindi pa handa ang mayoryang Pilipino, lalo na ang mga konserbatibo at mga hipokrito sa mga realidad o mga tradisyong "kakaiba". Tradisyong tila kinokondena ng nakararami. Kung ako ang nasa posisyon ng mga nagsasabuhay ng tradisyon na yun, pakiramdam ko rin na ako’y inaakusahan na baliw o heretic o sumasamba kay Satanas! Ano bang mas masahol, ang mga taong sumusunod sa tradisyon o ang mga hipokrito?

Katotohanan ang dala ng pag-dodokyu. Hindi madaling gumawa ng isang dokyu, kung tutuusin pati buhay mo nakasanla pa. Dala nito ay ang pagsasamulat ng mga realidad na nasa paligid ng tao. Makita ang mga tradisyon at kultura na animo’y nakalimutan na. Ang masaklap at masayang pag-mumukha ni Juan de la Cruz.

Masaklap lang talaga na marami lang hipokrito sa ating lipunan…

Masaklap rin na pinatatahimik rin ang mga mamamahayag sa Pilipinas na animo’y isang di nakikitang kamay. Realidad na masaklap, tila hanggang sa panaginip na lang ang katotohanang ating natatamasa.

Posted by berniemack at 9:09 pm | permalink | Add comment

Why the Conyo?!

June 30, 2006

"Kasi naman, you know…You make me kakainis no?"

"Lam mo pare, ang ganda ng cars men, they’re like astig na savvy"

"It’s not my problem, it (eat?) yours"

Hay, Pilipino nga naman o. Sabi nga ng trainer namin sa call center: "What is unique with us Filipinos is that we are great imitators and has a neutral tone". Kaya nga ang galing natin mag-Ingles eh! Nagsulputan ang mga business outsourcing companies na nagbigay mga trabaho sa mga bagong gradweyt, di nag-gradweyt at mga frustrated mag-gradweyt.

Bilang call center agent, masasabi ko may "edge" tayo sa kakumpetensya natin na mga Bumbay. Ang hirap nila kasing intindihin. Pero, hindi talaga maiiwasan na pati mga Kano, makahalata na hindi nila kababayan ang kinakausap nila, kundi Pinoy…minsan lumalabas ang pag-kasuperyor ng mga puti. Surrender naman si Juan De la Cruz sa mga "diyos-diyosan".

Pero nang nandito na ako sa Cebu, napansin ko: Ang mga batang Cebuano na lumaki sa Pilipinas, edukado at may-kaya, puro Ingles na lang ang biubuka ng bibig na animo’y lumaki sa Tate. Karamihan pa sa kanila, hindi na marunong magsalita kahit Tagalog man lang! Asar! Kudos sa mga magulang, dinagdagan na nila ang mga ilustradong maaaring tumalikod na sa Pilipinas! (sarcastic). Hindi ko talaga makuha ang logic na nagsasalita ang mga bata ng Ingles kahit nasa lansangan nila.

Elitista

Kung edukado ka sa Pilipinas, alam mong mag-salita ng Ingles o kahit anong wikang banyaga. Kung tutuusin, naging "status symbol" na nga ito ng mga mayayaman at may-kaya.

Simula pa sa panahon ng Kastila, kung mayaman ka, Ilustrado ka, marunong kang magsalita ng Espanyol. Nang dumating si Uncle Sam, binigyan nya tayo ng libreng edukasyon kaso dalawa ang mukha: mamulat at maging alipin. Binigyan nya ng bagong mukha ang pagiging elitista, ang makapag-salita ng Ingles.

Pero tila katotohanan na nga yatang may kahirapan ng buhay sa Pilipinas. Ang systema ng edukasyo’y nabubulok at naaayon pa sa mga turo ni Uncle Sam. Karamihan sa mga kapitbahay ni Juan de la Cruz, wala ng pakialam kung ano pa ang mangyari sa lipunan, basta mabuhay lang sila kinabukasan OK lang. Anong pakialam nila kay Aristitle, kay George Washington o pati na kay Aguinaldo. Masakit pero ito ang katotohanan.

Naipagpapatuloy na lang ng nalalabi ang pag-aaral. Maaaring karamihan sa mga Pinoy ay may opinyon na kung ika’y nakapag-tapos, marami kang oportunidad na maaaring mag-paahon sa kasadlakan ng kahirapan.

Balik tayo sa usapin ng Ingles, dahil para talagang may social class nga sa lipunang Pinoy, karamihan sa mga marunong magsalita ng Ingles na diretso at animo’y Kano ay yung mga nasa high school o di kaya ang mga nakapagtapos ng kolehiyo. Pero binalot na ng tipong elitista ang pagsasalita ng Ingles ng diretso.

————————————————————————————————-

(**Sa mga konserbatibo, skip nyo na lang ang paragraph na susunod**)

Napansin ko nga rin sa klasrum, kung nag-didiskas si ser tungkol sa sex, ang penis at vagina o di kaya sexual intercourse ay ok lang pakinggan, pero kung titi, pekpek o kantutan na ang sasabihin, bastos na! Pareho ang binabanggit, iba ang flavor. mas bastos nga bang pakinggan kung nakiki-jerjer ka kaysa sex? (sorry for the obscene language, dito ko kasi gusto ipahiwatig ang saloobin ko tungkol sa wikang Ingles at Filipino)

 —————————————————————————————————Ang wikang Ingles kasi dito sa Pilipinas ay ginagamit sa mga transaksyon sa negosyo, pakikipag-usap sa mga banyaga o pati na para magkaintindihan na ang Cebuano sa Ilocano. Ang wika na tila nabalutan ng kolonyal na mentalidad.

 Jologs

Nakakainis na marinig ang mga pa-sosy at feeling sosyal kung magsalita ng Ingles! Pun****! Ang galing na nga nilang mang-estima, ang galing pa nilang magsalita ng Ingles! Karabao Ingles! Para lang may-feel na sila ang nasa itaas ng mundo! Yikes! Sunugin!

Dahil na rin sa hindi nila pormal o talaga lang hindi epektib si mam sa school mag-turo ng ingles, kaya karamihan sa masa kung magsalita ng ingles, kung hindi mali ang pronunsasyon, mali ang grammar, mali ang spelling. Limitado. Kaya you know, ispokening dalars is da best talaga mam!

Natatawa na lang ako kung minsan marinig ko ang mga nauso noon na Erap jokes. Ang ex-president kasi hindi marunong mag Eyngles.

Dala na rin ng pabulok na pabulok na sistema ng edukasyon sa Pilipinas, nasira na rin ang kalidad ng pagtuturo sa mga pampublikong paaralan dahil na rin kulang sa badyet o talagang siksikan lang ang mga bata sa isang kwarto na parang sardinas! Konti lang naman ang pumapasok sa pampribadong paaralan, kaya namementene pa ang kalidad ng pagtuturo…na nagdadala sa problema na ang Ingles ay salita ng mga elitista at edukado. Nagpapalawak ng hati sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.

I can’t gets it nga eh!

Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng sankaterbang mga wika, ang hirap magkaintindihan. Karamihan sa mga kabataan ngayon, hindi na nila alam kung paano magsalita ng diretsong Tagalog, Bisaya o Ilocano. May halo na itong "substitute words" na ingles, kung hindi nila maibigkas ng diretso kaya ayun.

Halimbawa:

"Alam mo ba ang cup na yan, parang starbucks!" ?huh?!

Bisaya

Kala mo kung sinong marunong ang mga taga-Maynila kung kutyain nila ang mga Bisaya sa Ingles! Kung ang ‘e’ naging ‘i’ o ang ‘o’ naging ‘u’, at mali ang pronounciation, hala it’s chimay englis (oi, may lugar na Englis sa Cebu, humanda kayo mga Tagalog kayo). Ang laki siguro ng kakainin nilang mga salita dahil ang daming call centers dito sa Cebu. Hay, gusto ko lang makita ang pamumula sa hiya ng mga yan!

Tapos….

Kung tutuusin, hindi na maiiwasan na magsalita ng Ingles sa pang-araw araw na buhay. Habang umaagos ang panahon, kailangan talagang nating sumabay sa agos nito. "Nothing is constant but change" ika nga.

Ang ingles nga talaga ay tunay na makapag-bubukas sa maraming oportunidad para kay Juan de la Cruz upang mapaunlad nila ang kanilang pamumuhay. Pero, masaklap isipin, ito’y nababalot sa mala-elitistang aura. Marahil na rin sa edukasyon na tila napapabayaan na ng panahon.

Nalulungkot din ako dahil marami sa mga kabataan ngayon, tila kinalimutan na nila ang sariling atin dahil sa tingin nila, ito’y backward o taga-bundok at probinsya lang ang nakapag-sasalita ng mga sinaunang wika. "Mga mahihirap lang ang gumagamit niyan" na uri ng pag-iisip. Pilipino nga, masaklap…sabi nga sa isang thread sa Lonely Planet.com "They are more American than Americans themselves". Ang dilemma ng nasyonalismo at globalisasyon.

Ang Ingles ay para sa lahat at hindi lang sa mga edukado o mayayaman. Lahat may karapatang gumamit nito. Nawa’y ganun naman ang pag-trato natin sa ating wikang sariling atin.

(more…)

Posted by berniemack at 10:04 pm | permalink | comments[3]

Carjack-ass

November 16, 2005

Lately there was an event that is supposedly a breakthrough in rampant “carjacking” cases in MetroManila. Four men were shot dead by law enforcers of the metro after a said “hot pursuit” (as according to one account). By the way, carjacking is different from carnapping. The former uses force to steal the vehicle by use of gunpoint or blocking the driveway of the motorist. There are lots of modus operandi of different gangs in the city. The latter perhaps was common since they steal the vehicle which is left unattended by the motorist. Usually it is parked.

Because of the advances in security of vehicles that made stealing the vehicle difficult, some crime organizations and criminals resort to taking the vehicle by force in order to resell it to the market.

Pasig event
I don’t know the very details of the said event that once shown the law enforcer’s honesty in doing crime busting. Four people were said to have stolen a car and had a hot pursuit. When the police cornered them, there was a violent exchange of gunfire. Then silence. It was an image of victory for law enforcers…but later this was short-lived.

A cameraman of a UHF-TV channel secretly took shot of the event that was happening just outside where he’s in. Because of this, the grusome picture of brutality that was manifested. The alleged suspects were shot dead already, but the question: after probing the suspects who are already dead, I think, why did they took another shot to the suspects? Was this Coup d-grace? Or are they making sure that they’re dead?

Questions
It was a clear manifestation of the violation of human rights. If the investigation (which is ongoing until now) reveals that the alleged suspects were indeed still breathing when the last gunshots were fired upon them, then this would be a very big blow for the police who maintains an image of being a good law enforcer. Was it a manifestation of police brutality?

I have never seen such concrete image of human rights violation as this. Even criminals have the right to live and judged fairly. The police were supposed to bring those alleged suspects to the hospital instead of giving “a dead-on-the-spot privelage.”

And again, the number one enemy of the UP community uttered such foolish words again that “don’t judge the law enforcers…the suspects are dead, so whats the big fuzz…there’s no human rights violation since you already shot them dead.” This man has gone to far with his mouth!

There are so much to learn about this single event. Rampant crimes, human rights violation and keeping someone’s mouth shut. Its to early to conclude everything that happened in this shocking event. In a country that has been plagued with misdoings and the like, how can this land heal itself from the injury that she inflicted from within herself.

What’s happening with this world? Has everyone gone crazy?!

The question is, who is the culprit and who is the victim here in this recent event? Thanks for your comment anoni.:)

Posted by berniemack at 1:44 pm | permalink | comments[1]

The Bamboo Bayou

November 12, 2005

Ang una kong tanong: Ano ang gagawin mo kung lublob sa baha ang bayan mo? Sige nga? E, paano kung halos ilang buwan ay baha sa inyo, aalis ba kayo? Papatay na kayo? Magnanakaw na kayo? O di kaya normal na ito sa ilan nating kababayan?

Pilipinas: Sa Delubyo at Ligaya

Ang Pilipinas ay itinuturing na isa sa mga pinadelikadong lugar pagdating sa mga sakuna na dulot ng lindol, pagputok ng bulkan, bagyo at iba’t ibang delubyo na dala ng inang kalikasan. Kung tutuusin, binibisita tayo ng humigit-kumulang na 18 o 20 na bagyo kada taon, may habagat na nagdadala ng malakas na bugso ng ulan tuwing Hunyo hanggang Oktubre. Mga lindol na aakalain mong katapusan na ng mundo tulad ng nangyari noong 1990 na sumira sa mga lungsod ng Baguio, Cabanatuan at Dagupan. Akala mo ang dagat dito hindi lumalamon ng lupa, noong 1976 ang Moro Gulf Tsunami ay kumitil ng libo-libong buhay sa baybayin ng Mindanao. Ang pagputok ng Pinatubo ay maituturing isa sa mga pagputok ng ika-20 siglo. Ayoko nang isa-isahin at baka maubos oras ko sa blog.

Sa palagay ko, maaaring dahil sa mga paghihirap nating nararanasan hindi lamang sa lipunan o ekonomiya, kundi sa pagharap sa mga delubyo na maaaring tayong mga tao ang nagdulot o di kaya’y paghihiganti ni Inang Kalikasan, ang nakapagpatibay sa atin habang dumadaan ang panahon. Kung tutuusin, para tayong mga kawayan na kahit anong lakas ng hangin, bumabaluktot lang tayo at hindi napuputol hanggang sa mamatay.

Nasabi nga pala sa Time Magazine noong Enero 2005 na ang Pilipinas daw ay isa sa pinakamasayang bansa sa buong mundo! Nakita ko sa larawan ng artikulong yaon na ang mga bata kahit nasa baha, nakangiti pa rin sa camera. Aba, napansin ko nga pala na kung andyan ang kamera ng media sa mga nasalantang lugar, hindi maiiwasan na ang iba ay kumakayaw sa likod o background ng taga-ulat. Akala mo’y di sila nadaanan ng delubyo! Sanay na si Juan de la Cruz sa mga ganitong pangyayari sa kanyang buhay, kahit mayaman siya o mahirap.

“The Big Difficult”

Noong nakaraang linggo, nabalitaan ko ang tungkol sa bagyong si “Katrina” sa Amerika na animo’y isang halimaw na lalamon sa mga estado sa Gulfo ng Mexico. May kategorya ito bilang lima, kung baga sa atin ay super-typhoon na ito. Inilunsad ng gobyerno ng lungsod ng New Orleans o kilala sa Amerika bilang “the Big Easy” ang isang malawakang paglilikas ng mga residente nito dahil sa paparating na bagyo. Marami sa mga residente nito ang lumikas samantala ang iba’y nagmatigas. Kampante sila na hindi babahain ang Lungsod na ito, sila’y nagkamali.

Nagising na lang sila ng matapos ang bagyo na akala nila’y tapos na ang sakuna, nagisismula pa lang. Binaha ang lungsod dahil nasira ang mga dikes nito. Ang New Orleans ay below sea-level o mas mababa pa kaysa sa dagat ang lupa nito. 80% ng lungsod ay lubog sa baha. Pinapalagay na marami ang nalunod sa baha. Pero mas nakakagimbal ang mga imahen ng lungsod matapos ng 2 araw. Malawakang nakawan at kaguluhan ang nanaig sa lungsod. Naging mabagal ang tugon ng gobyerno sa mga nagsilikas at natira sa syudad. Kapansin-pansin na tila lumalabas nanaman ang racial discrimination sa naturang lungsod dahil sa mabagal na responde ng gobyerno sa mayorya nitong residente, mga Black Americans.

Compare and Contrast nga…

Grabe naman ang itsura ng New Orleans! Akalain mo na dahil sa baha ay marami ang mamamatay, magugutom, magnanakaw at magagalit? Sige nga, subukan mong ikumpara iyan sa Camanava (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) area ng MetroManila na animo’y kada taon ay lubog sa baha ito. Pareho sila ng New Orleans, swampy at mas mababa sa lebel ng dagat ang lupain nito pero parang wala lang kung bumaha doon.

Evacuation Centers: Sa America, sosyal–Superdome ng New Orleans ang ginawang evacuation center, dagdagan mo pa ng paglikas ng iba sa Astrodome ng Houston, Texas na mahigit 500 kilometro ang layo sa New Orleans. Ewan ko kung magagawa nila yan sa Araneta Coliseum o Cuneta Astrodome kung babahain ang Pasay o Cubao. Samantala dito sa atin, ay mas miserable pa tignan ang kalagayan ng evacuation centers, kasi sa pampublikong paaralan, mga gymnasiums na yung iba open-air at kung saang miserableng lugar. Pero ang napansin ko sa mga Kano, masyado silang reklamador, porque’t hindi air-conditioned ang evacuation center magngingitngit na sila sa galit, paano kung dito pa sila tumira sa Pilipinas?!

Naaawa ako sa kanila dahil mabagal ang pag-usad ng pag-rekober ng lungsod mula sa kinasasadlakang delubyo nito. Sa Pilipinas, looting during natural disasters is very minimal. Doon sa New Orleans, kailangan pang sapilitang ilikas (kahit gumamit pa ng puwersa ang pulis at militar doon) para lang maiwasan ang kaguluhan. Sa atin, bahala na. Kiber ng iba..as long as mabunuhay tayo kinabukasan na ligtas ang mga ari-arian natin. Talk about being the Big Easy!

Diring-diri ang mga Kano sa tubig-baha, kung ano-anong toxic wastes at patay na tao ang pinagsasabi nila. Sa atin, yan ang panahon na may swimming pool sa harap ng kalsada mo.

Ngayon, naaawa ako sa mga Kano. Sabi nila, ang lungsod ay tila nasa isang third-world country (ayon sa isang artikulo sa Inquirer).

Mapapansin natin na ang mga Amerikano’y tila sanay sa buhay na masagana samantalang tayong mga Pilipino’y sanay na sa kahirapan. Masasabi ko na mayroon din palang magandang dulot ang pagiging mahirap ng ating bansa, ito’y upang maging matatag ang taumbayan sa kung ano mang sakuna na darating. Dahil alam nating dumiskarte kung paano mabuhay ay parang bale-wala na lang sa atin ang sakuna, mapa-natural man ito o gawa ng pulitiko o gawa ng tao.

Masasabi ko o ng isang kanta, HUWAG MONG ISUKO, SADYANG LABANAN!

>>Si Juan de la Cruz ay hindi lawlaw!

*Masasabi ko rin na marapat natin sanang tulungan ang taumbayan ng New Orleans at iba pang lugar na nasalanta ng bagyong Katrina sa ngalan na rin ng sangkatauhan. Pare-pareho rin tayong mga tao. Nawa’y hindi sila sumuko at sadyang labanan ang problemang kanilang kinahaharap.

Posted by berniemack at 12:00 pm | permalink | comments[1]

Isang Maikling Pahayag

UpAng Unibersidad ng Pilipinas ay isang institusyon ng malayang kaisipan at pamamahayag. Isang institusyon na tinutustusan ng taong-bayan para sa inaasahan nilang pag-asa sa nalulugmok na bayan.

Para sa aking kapwa-mag-aaral, empleyado, guro at kasapi ng komunidad ng UP: Nawa’y hindi natin sayangin ang binabayad ng taumbayan sa atin. Ito ay suklian natin ng serbisyo hindi lamang sa sariling interes, kundi para sa ating bayan! Mabuhay po tayong lahat!

Sa palagay ko, nang dahil sa hirap na dinadanas nating mga iskolar ng bayan (mapa-kakulangan sa pasilidad man ito o di kaya’y kung ano-ano pa), tayo’y hinahasa o hinuhubog nito upang tayo’y maging mabuting tao ng sambayanang Pilipino. Papayagan ba nating makaranas ang mga susunod sa atin ang mga paghihirap na dinaranas natin?

>>ISKOLARS NG BAYAN, TULOY PA RIN ANG LABAN!

Posted by berniemack at 11:58 am | permalink | comments[1]

     

September 2010
M T W T F S S
« Mar    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Sponsored Links

    

Others

Add to Technorati Favorites

Tagboard

Seo Services Company:

nice blog

News:

great info thanks for share

Wisata Dieng:

nice info ..

Wisata Semarang:

great blog… keep update

Google Ranking Master Gujarat:

great stuff here.. thanks for share

Indonesia Furniture Handicraft Wholesale Marketplace:

nice blog.. keep update

Eiknujomorp:

Great stuff from you. Ive read your stuff before and youre just too awesome. I love what youve got here, love what youre saying and the way you say it. You make it entertaining and you still manage to keep it smart. I cant wait to read more from you. This is really a great blog.

My Blogpost:

blogwalking great blog

My Blogpost:

great blog thanks for share

My Blogpost:

nice blog

Natural Health info:

Some Info about Natural Health, Health Advice and Healthy Tips

Cebuphoto.org:

Learn Digital Photography

Travel Jakarta Bandung:

great site.. thanks for share

Hosting Murah Indonesia Indositehost.com:

great post

Travel Jakarta Bandung:

nice blog

Blogger Indonesia Dukung Internet Aman, Sehat & Manfaat:

great site

Used Stationary Bikes:

blogwalking.. your blog is amazing

Used Stationary Bikes:

hai… like your post

Used Stationary Bikes:

great site.. keep post

Salehdbrent Sgdashhousedotcom:

great blog

Leave a message ▼