It’s hell! Impyerno talaga dito sa Maynila! Ayoko talaga dito! P***ng paksh**! I hate Manila and even its neighboring province Cavite!
Ayoko talaga! Ang trapik trapik dito!21 kilometro lang ang layo ng Imus sa Maynila, DALAWANG ORAS ANG BYAHE! Pak***t! Hindi ba nakita ng mga punyetang pulitiko ang paglaki ng populasyon ng Cavite dahil katabi lang ito ng Maynila? Hindi man lang sila gumawa ng paraan para maibsan ang kalbaryo. Maliit na nga lang ang Aguinaldo Highway, bakit hindi na nila ito sinimulan noon pa lang?
Ang mga drayber dito ng jeep, mandurugas! bwisit, ikaw ba naman ang ipara sa gitna ng daanan!
Maraming nandedekwat dito. Kahit nag-aabang ka ng masasakyan mo, mananakawan ka na! Sa jeep, mananakawan ka, sa sarili mong bahay mananakawan ka. Kahit mga palenkera, tsuper, saleslady/salesman pakiramdam mo magnananakaw na dahil sa taas ng standard of living!
Ewan!@
Dito ko lang mailalabas ang inis ko sa lalawigan na kung saan lumaki ako ng 12 taon pero nawalan na ako ng amor sa lugar na ito. Tutal, itinakwil na rin ako dito.
Kung pwede na lang sana na hindi na lang ako bumalik dito sa Maynila o sa Cavite man. Kung sana lumipat na lang ang ermats at kapatid ko. Ayoko talaga dito!!!! Eh kaso ‘KABISERA NG PILIPINAS" ito at ANG LALAWIGAN NAMAN AY MAKASAYSAYAN!
Minsan, ikinahihiya ko ang Cavite sa larangan ng kasaysayan. I’m not that proud of it unlike before. After knowing that everything that happened during the Philippine Revolution, the personalities and the places, resemble a vicious cycle of moth*f**in Filipino politics! Brawl in Tejeros? Assassination of Boni? To whom do you adhere your declaration of freedom? Ewan!
Honestly, these are my sentiments right now. Galit lang siguro ako ngayon. Di pa ako nahihimasmasan. May dahilan ang lahat kung bakit ganito ang pakiramdam ko sa Metro Manila at Cavite! Nagsasawa na ako sa mga paulit-ulit na pangayayari dito! Kala mo ang Pilipinas kanila na! Oo nga pala, KANILA TALAGA ANG BANSA! "Tagalog superiority"?
Naturingan ko pa naman itong sariling bayan noon pero…ewan! Magulo dito! Tutal, isa ako sa mga tao na hindi naniniwala na UUNLAD ANG BUHAY SA KAMAYNILAAN! Mas gugustuhin ko pang mangibang-bansa kaysa mamatay akong dilat sa kabisera!
Pasensya sa mga natamaan, pero ito’y opinyon ko lang! MALAYANG BANSA ITO, OK?
Nang dumating ako dito sa Iloilo apat na taon ng nakararaan, iniisip ko na kahit papaano may libangan ako habang nag-hihintay ako sa pasukan sa kolehiyo. Karaniwan na sa akin noong high school na nakikinig ako sa radyo sa buong araw kung wala akong magawa. Hindi ko maisip na mahiwalay ang sarili ko sa radyo. Kung tutuusin, mas madalas pa akong magpalit ng estasyon ng radyo kung ikukumpara ko sa paglilipat ng channel sa TV. Grabe!
MANILA MANIA
Sa Maynila, maraming uri ng programa sa estasyon ng radyo, dahil na rin sa kabisera ito ng bansa. Lahat ng uri ng tao halos naririto: mga Ilocano, Ilonggo, Cebuano, Waray, Muslim, Bicolano, Kapampangan, mga gago, gaga, tanga, terorista, ekstrimista, masokista, sadista, at kung ano ano pang klaseng tao… Kaya mas maraming variety ang mga radyo sa Maynila. May pang-masa, may pang-class, may pang-kabataan, may pang-rakista, may pang-conyo, at iba pa.
Lumaki ako sa Maynila at nakikinig sa mga radyo na may adult contemporary, pop o di kaya’y Top40 radio programming o kung ano yung uso sa kabataan. Dito, nagagawa kong makinig sa mga latest at sa mga bagong kanta na tila sumasabay sa agos ng uso. Hindi ako napag-iiwanan, pero lahat ng ito’y magbabago ng lumipat ako sa Iloilo.
RADYONG PANG-MASA
Nasabi ng isang DJ sa MOR na ang ganitong klaseng programa ang nagtulak sa StarFM na maging over-all number 1 radio station sa Maynila noong dekada 90 dahil patok sa pang-masang lasa ang mga kanta at istilo ng pagsasagawa ng programa. Taga-Bombo Radyo ng Iloilo ang nagsimula ng ganitong formula na pumatok sa buong bansa.
Sa umaga may sayawan kada 30-minuto na pinagigitnaan ng lates mellow/love songs na pang-masa. Pagkatapos ng 9AM ay puro old love songs. Tapos sayawan at latest mellow songs nanaman sa tanghali at pag-abot ng 1PM balik sa 9AM na tipo ng programa. Pag-alastres balik uli sa mga latest tapos pag-abot ng alas-sinko ng hapon karaniwan old-school rock ang pinatutugtog, Pag patak ng 6PM balik uli sa latest sa sayawan at mellow songs hanggang tapusin ang araw sa love songs-Pag weekdays iyan. Oldies pag Linggo.
Dahil malaking bahagi ng nakikinig ay galing sa masa, nagkanda-ugaga ang mga advertisers na maglagay sa mga estasyon ng radyo na may ganitong formula. Kaya maraming estasyon na rin ang nag-iba ng format ng kanilang programa, mula sa espesipikong taga-pakinig hanggang sa mismong halos buong madla, walang age limit at kahit sino halos makiking dito. Syempre, mas malaki ang maaaring kitain ng komersyal na estasyon ng radyo0 mula sa publiko at advertisers.
Nagkaroon pa rin sila ng mga sari-saring pakulo para hiyakating makinig pa lalo ang madla sa radyo. Ito’y sa pamamagitan ng mga pa-promo.
"ILOILO FIASCO"
Naabutan ko pa ang mga huling araw ng IC FM 95.1FM, ang sister FM radio station ng KC FM 93.9FM sa Maynila na pagmamay-ari ng Radio Mindanao Network. Puro uso ang pinapatugutog dito, kaya oks lang. Ang the HIVE FM ng 98.3FM na binobroadcast mula sa Maynila ay bumalik dahil na rin sa popular demand sa pagiging RJ100, ang para sa mga oldies at kahit papaano may latest. Ang Home of New Rock NU107 na sinasabi ng mga kaibigan ko na nag-iisang local rock station na nag-sara ilang taon na ang nakararaan, ay patuloy pa rin sa pag-sasaere ng mga programa at kantang rock, yun nga lang tulad ng RJ100, broadcasted live galing Maynila. Ang iba pang radio station, pare-pareho lahat halos ang programa. Ang Home Radio89.5FM naman ay nagpapatugtog ng mga easy listening music, kadalasan ay mellow songs mapa-luma o latest. Kung tutuusin, dito ko napapakinggan ang latest sa R&B o pop love songs kung minsan.
Simulan mo sa Radio1 88.7FM, MOR91.1 na pagmamay-ari ng ABS-CBN, Yes FM 92.3, 93.5 Campus Radio (take note) ng GMA, 97.1 Love Radio, 99.5 Star FM, Z100FM ay halos pare-pareho ang format ng programa: pang-masa. Ang IC FM, dahil na rin sa reformatting na ginawa ng RMN sa mga FM stations nito sa buong bansa, ay naging pang-masa na.
Ito ang katanungan na bumabagabag sa akin kung nakikinig ako ng radyo dito sa Iloilo. Halos lahat pang-masa. Sabi ng iba, walang ka-taste at class ang mga Ilonggo pag-dating sa musika sa radyo, puro "baduy" ika nga. Ewan ko kung iyan din ang sentimyento ng mga kabataan dito sa Iloilo pero kahit papaano iyon din ang napapansin ko sa mga radyo dito. May nagrereklamo na puro novelty songs ang pinapatugtog sa mga radyo dito. Walang ka-variety na kung tutuusin, isa sa mga mayor na lungsod o sentro ng komersyo ang Iloilo ng Pilipinas. Lagi na raw nahuhuli ang mga Ilonggos pagdating sa mga latest sa musika mapa-lokal o mapa-foreign pa. Nagsasawang pinakikinggan ang paulit-ulit na formula sa programa at novelty songs. Ang dalawang naiibnang radiom stations ay puro live feed mula sa Maynila, kaya laging alienated ang mga Ilonggos sa mga pinakikinfggan kung minsan.
Ayon sa isang disk jockey na aking nakausap, ang programa ng isang estasyon ay base sa kung ano ang gusto ng taga-pakinig. Kung masa ang taga-pakinig, maraming nakikinig, maraming advertisers, maraming pera…ganoon talaga tumakbo ang isang komersyal na estasyon ng radyo dito sa Pilipinas. Kung tutuusin, ang pormulang ginagamit ngayon sa mga estasyon ng radyo sa buong bansa na pinapakinggan ng masa ay nagmula din mismo dito sa Iloilo, sinimulan ng isang ideya sa Bombo Radyo na naging patok sa madla.
Pero kahit papaano, may iilang estasyong lokal ang nag
BACOLOD: LAMANG NA NGA BA SA ILOILO?
Ibig sabihin nito sa Tagalog: Bakit baduy ang sa Iloilo samantalang ang sa Bacolod ay laging uso?
Pero, ayoko rin maging hipokrito kung naitanong ko rin na kung bakit ang Bacolod, tubig lang ang humihiwalay at pareho rin ang ugat (Ilonggo/Iloilo) at salita pero iba ang panlasa pagdating sa musika? May Crossover, Jaimie, KillerBee FM at Moms Radio na pinupunterya ang espesipikong target audience sa lungsod. Maging ang pang-masang M.O.R ng Bacolod ay ibang iba mula sa M.O.R ng Iloilo…Nagpapatugtog ng nasa uso samantalang nababalanse ang panlasang madla.
Kung tutuusin, mas malaki ang populasyon ng mga mag-aaral sa kolehiyo at high school at kabataan dito sa Iloilo kung ikukumpara mo sa Bacolod pero bakit inuna ng Quest Broadcasting (Killer Bee) na mag-invest sa Bacolod?
Ang sosyodad ng Negrense ay kung tutuusin ay naging epekto sa kasaganahan at kaginhawaan ng buhay sa Negros noong masigla pa ang kalakal sa asukal. Sabi nga naman nila, ang "kwarta ginapiko kag ginapala". Kung ito’y ilalagay sa literal na konteksto, talagang akala mo marami talagang pera sa Negros. Pero ang tunay na kahulugan nito ay ang lupa sa Negros ay pinipiko at ang tubo ay pinapala. Hanggang ngayon, kahit sila’y dumanas din ng isa sa pnakamahirap na pagsubok sa kanilang kasaysayan, taas noo pa rin nilang pinagmamalaki ang kanilang nakaraan at napagdaanan. Ang atmosperang elitista ay sinasabing naroroon pa rin. Sinasabi raw na malakas ang impluwensya ng nakaraan at uri ng pamumuhay na ito’y sumuot na rin sa madla ng lungsod Bacolod. Sila rin ay laging latest. At ang klase ng musika na gusto ng Negrense ay naiiba sa klase ng musika na gusto ng mga Ilonggo kahit pareho ang pinanggalingan.
REPLEKSYON NG LIPUNAN
Hindi rin natin maitatanggi na ang uri ng estasyon ng radyo sa isang lungsod ay sumasalamin din sa uri ng kultura na mayroon ang isang lipunan ng lungsod o isang komunidad. Kung maoobserbahan natin sa mga naturang lungsod pa lamang ng Iloilo at Bacolod, talagang iba ang panlasa ng tao sa musika pa lamang.
Maoobserbahan na dito sa Iloilo, na noo’y nakalasap ng mga araw ng kanyang tugatog bilang "Queen City of the South" at nabawi ng Cebu dahil sa korapsyon ng iilan sa gobyerno at kulang sa political will. Ang Bacolod na dati’y nakalasap ng sarap at pait ng kanyang kinasapitan sa kasaysayan ay patuloy pa rin sa kanilang pamumuhay na naging tradisyon o nakasanayan na nila.
PANIMULANG KOMENTO
Kung tutuusin, kung meron lamang guts ang mga station managers o di kaya investors na pumasok sa isang negosyo na ispesipiko ang target audience, mayroon ding mga risks tulad din ng pagpasok sa negosyo sa ano mang larangan. Hindi ako ang spokesperson ng kabataang Ilonggo na naghahanap na kung ano ang latest. Nahuhuli na lang kasi kami sa mga latest na nagyayari sa larangan ng musika. Sa cable mo lang mapapanood o maririnig ang mga kantang nauuso na sa Bacolod, Cebu, Davao, Cagayan de Oro o kahit Dumaguete pero hindi pa rin naririnig ng mga kabataan dito. Kung tutuusin, mas malaki ang populasyon ng mga estudyante dito sa Iloilo, mapa-high school o kolehiyo man kaysa sa Bacolod sa buong rehiyon ng Kanlurang Visayas.
Para sa lokal na gobyerno, isa na itong pahiwatig na tama na ang pangungurakot at pananakot sa mga magsisi-invest sa Iloilo. Panahon na para tayo’y magsimula muli. Manghikayat ng mga investors para sa ikauunlad ng lungsod at probinsya.
Dalan San Pedro, Dakbayan sa Davao, Isla sa Mindanao, Nasud
sa Republika sa Pilipinas